IPINAGDIWANG ni Julia Barretto ang kanyang kaaarawan na napapaligiran ng malalapit na kaibigan at siyempre ng kanyang boyfriend na si Joshua Garcia sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay.

Julia copy

Lamigin pala si Julia, kaya laging may kumot siyang katabi sa pagtulog. She is also a homebody na mas gugustuhin pang mamalagi sa bahay at makipaglaro sa bunsong kapatid kaysa maglakwatsa.

Lalong tumamis ang mga ngiti ni Julia sa paglitaw ni Joshua as guest sa show, na may limang katanungan para sa birthday celebrant. Sa pakiwari namin ay scripted ang questions para kiligin ang audience.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kailangan pa bang itanong kung sino ang inspirasyon ni Julia?

“Given na ‘yon,” wika ni Julia.

Ang wish ni Joshua para kay Julia ay good health, growth in her career, at alagaang mabuti ang sarili and don’t allow success to go into her head, sabay sabi ng “I love you”.

After blowing the birthday candle on the cake, ano naman ang wish ni Julia para sa sarili?

“To be more patient and balanced. I wish for contentment and happy to be alive. I also want to impart na matutong i-surrender ang lahat sa Kanya.”

What a sight to behold na mistulang a pair of lovebirds ang larawan nina Julia at Joshua habang pinipisil ng binata ang palad ni Julia all throughout the show.

Happy birthday, Julia

-REMY UMEREZ