TIYAK na malulunod sa galak si Bea Alonzo sa litany of praise sa kanya ni Charo Santos. First time para sa dalawang accomplished actresses na magsama sa pelikulang Eerie, a co-production with a Singaporean company.

Charo at Bea copy

Nasubaybayan ni Charo ang growth o pag-asenso ni Bea as an aktres.

“Matalino siyang artista and generous. Seryoso siya sa trabaho, a real professional. She is always in character kaya masarap katrabaho,” komento ni Ms Charo kay Bea.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Taong 1976 nang ipalabas ang first movie ni Ms Charo, titled Itim directed by Mike de Leon. Para sa pelikula, nanalo siyang Best Actress sa Asian film fest.

Sa horror movie na Eerie, another young filmmaker, si Mikhail Red, ang nagdirek kay Ms Charo. Wika nga ni Mario Bautista, a movie reviewer, Ms Charo comes in full circle.

Papel ng isang madre na istrikto at old-fashioned ang role ni Ms Charo. Bilang Sor Alice, magkakaroon siya ng conflict with Patricia (Bea) hinggil sa pagpapatiwakal ng isang estudyante ng kapwa pinaglilingkuran nilang Catholic school who continue to haunt the place. Magkaiba ang kanilang paniniwala lalo na si Pat, na masyadong modern ang takbo ng kaisipan.

Showing na sa March 27 ang Eerie.

-Remy Umerez