PLANO ng Department of Agriculture na magtayo ng 6,200 solar-powered irrigation sa buong bansa bilang pansamantalang solusyon upang tugunan ang inaasahang epekto ng El Niño, na nagpapatigang sa mga sakahan.

“This is our short-term resolution for El Niño, to build a solar-powered irrigation system. The project has a fund of P4 billion,” pahayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol nitong Biyernes sa isang panayam.

“The solar panels will produce the energy needed for the irrigation to be functional. This will be very effective during dry season,” dagdag pa niya.

Ayon sa kalihim, ang pagtatayo ng mga dam na mag-iimbak ng tubig ay pangmatagalang solusyon na gugugol nang ilang buwan kung hindi man taon upang makumpleto.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

Una nang sinabi ni Piñol na isinusulong nila ang panukalang-batas na magtatakda sa lahat ng komunidad na magpatupad ng “water conservation and preservation programs” tulad ng pagkakaroon ng maliliit na imbakan ng tubig.

“We will do our best for this bill to be included in the President’s legislative agenda,” aniya.

Paliwanag pa ng opisyal, dapat na gamitin sa positibong paraan ang nararanasan ng bansa na pananalasa ng mahigit 22 bagyo kada taon—sa pamamagitan ng pagkolekta sa ulan upang magamit sa pangangailangan sa hinaharap.

“The bill, once it is signed into a law will urge the public to conserve and utilize water resources and can be put in good use during dry season,” ani Piñol.

Isang mainam na paraan, aniya, ito dahil kinakailangan ng bansa na magpatupad ng matatag na agrikultura.

“There will be a time that our resources will not be able to feed the population in the manner we produce food right now and we do not want that happen,” saad pa ng Kalihim.

Samantala, hinikayat naman ni Agriculture Undersecretary for Operations Ariel Cayanan ang mga magsasaka na huwag magtanim ng mga pananim na mangangailangan ng maraming tubig, habang humahanap ang kagawaran ng mga binhi na “pest and disease-resistant.”

Nakaalerto rin, aniya, ang lahat ng crop pest management personnel ng Bureau of Plant Industry para sa pagbabantay ng mga peste at mga sakit sa halaman.

Aniya, magpapautang ang Philippine Crop Insurance Corporation sa mga magsasaka upang masiguro na mayroong recovery fund para sa kanila sakaling malubha ang maging epekto ng tagtuyot sa kanilang mga pananim.

“Since we have the Program Loan Easy Access, the financial assistance and needs of the farmers will be well provided,” ani Piñol.

PNA