SA Gandang Gabi Vice nitong Linggo, matapang na inamin ni James Reid na nagli-live in nga sila ng dyowang aktres na si Nadine Lustre.

Lahad pa ni James, isine-celebrate nila ni Nadine ngayong taon ang ikatlong anibersaryo ng kanilang relasyon. Hindi nga raw makapaniwala si James na aabot ng tatlong taon ang kanilang samahan.

“It’s actually my longest relationship,” sabi ni James. “It doesn’t feel like three years. It’s been so fast.”

“Kinikilig ka pa din?” tanong ni Vice Ganda kay James.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

“Yes.”

Nagbigay naman ng pananaw ang GGV at It’s Showtime host tungkol sa relationships.

“Kasi, ‘di ba, ‘yun ang fear ng madami, lalo na ‘pag tumatagal? ‘Yung ang daming nagbabago na hindi mo namamalayan— nagbabago ‘yung feelings mo, ‘yung emotions mo, ung dating excitement.

“Kapag nagkikita kayo, lalo na ‘pag lagi kayo nagkikita, parang nawawala,” sabi pa ni Vice.

“We live together, so like... oh,” sabi ni James.

Dito na kinilig at nag-react ang mga nanonood sa studio.

‘Tila nagulat naman si James sa naging reaksiyon ng mga tao.

“Did you know that? Okay, well, we live together.”

Natawa si Vice sa naging reaksiyon ni James at inapiran ito pagkatapos.

“Alam mo, it’s okay. Kasi ‘yan si James at saka si Nadine, we’ve accepted the real Nadine and the real James Reid. ‘Yung parang, no sugar coating, just real. “Eh ganun naman kayo, ‘di ba? Whether you like it or not, you accept it or not, this is us. So, just be free to be real.”

“Well, yes, we live together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there’s no space. Sometimes, you get too comfortable,” kuwento ni James.

“But then, there are days na she’s working, super busy, parang ganun and when she gets home, it’s like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang.”

July 2017 nang unang natanong si Nadine kung nagli-live in na ba sila ni James.

Sagot ni Nadine: “If that was true, so what?”

At sa GGV guesting din noong January 2018, sa guest appearance ng JaDine sa show, tinanong ni Vice ang dalawa kung magkatabi ba silang natutulog.

Ang naging sagot lang ng dalawa, magkatabi silang matulog kapag nasa “shoot, sa bus, sa plane”.

Sa presscon naman ng pelikula ni Nadine na Ulan last February 26, 2019, muling natanong si Nadine kung magkatabi sila ni James sa pagtulog?

“Bakit mo ba tinatanong ‘yan? My God, kayo na pong bahala diyan na sumagot,” natawang sagot ni Nadine.

Bagamat gustong sarilinin ni Nadine ang living arrangement nila ng boyfriend noong panahon na ‘yun, diretso namang sumagot ang 25-year-old actress tungkol sa pagpapakasal.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya nakikitang mangyayari ito sa kanila ni James, dahil masaya sila sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon at hindi naman daw sila nagmamadali.

Unang nalantad sa publiko ang relasyon nina James at Nadine noong February 20, 2016, sa JaDine In Love concert sa Araneta Coliseum.

February 11 daw nang taong iyon nang inamin ni James ang tunay niyang nararamdaman para kay Nadine, sa pamamagitan ng isang dinner date.

-ADOR V. SALUTA