DOBLENG kasiyahan ang ipinamalas ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. sa libu-libong mananood, nang hindi lang ang naggagandahang flower floats ang kanilang natunghayan, kundi personal din nilang nakita ang mga celebrities na nakibahagi sa grand floats parade ng 24th Panagbenga Festival, nitong Marso 3, sa Summer Capital

DOT float-1

Alas 4:00 pa lang ng umaga ay may mga nakapuwesto na para manood at matunghayan ang 13 big float, 11 small float, kabilang ang tatlong Hall of Fame float, ang sa city government, at sa Department of Tourism, na pawang makukulay at may iba’t ibang disenyo at klase ng bulaklak, fruits, vegetables at ornamental plants, nang muling pumarada sa Session at Harrison Road.

Ang 13 big float ay ang sa ABS-CBN, Camella Homes, Generika, GMA Network, International Pharmaceutical, Inc., Jollibee Food Corporation, Kiwanis International, MC Master Siomai Hut, Inc., M. Lhuillier Financial Services, RJ7 Entertainment, SITEL Philippines Corporation, Valley Bread at Yippi /TCA Philippines.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

CocaCola float-1

Ang 11 small float ay mula naman sa Coca- Cola, Enchanted Kingdom, Inc., Igorot Treasure, Pradera Verde-Lubao International Balloon, Mega Global Corporation, MV Alabanza Longganisa, Palawan Pawnshop, Pay Maya Philippines, Pizza Hut, Shakey’s Pizza, at Taloy Farmers Multi- Purpose Cooperative.

Pagdaan ng ABC-CBN at GMA floats ay masayang sigawan ang umalingawngaw, nang makita ang celebrities na nakasakay dito. Nasa Kapamilya float ang cast ng sikat na teleseryeng The General’s Daughter na sina Angel Locsin, Paolo Avelino, JC De Vera, and Loisa Andalio, samantalang nasa GMA float sina Kyline Alcantara, Janine Gutierrez, Tom Rodriguez, Therese Malvar, Manolo Pedrosa, Tekla, at Boobay.

PizzaHut float-1

Nakita rin sa ibang float si Benjie Paras at anak nitong si Andre Paras, na lulan sa Palawan Pawnshop float; sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa M. Lhuillier float; sina Polo Ravales, Jeffrey Santos, Kiray at Amay Bisaya sa RJ7 Entertainment float, bukod pa ang mga local at international beauty titlists.

Nagwagi bilang grand champion sa big float category ang M. Lhuillier Financial Services, Inc., na tumanggap ng P500,000 premyo; pangalawa ang SITEL Philippines, na nanalo ng P300,000; at pangatlo ang Generika Drugstore, na nag-uwi ng P200,000.

Jollibee float-1

Sa small float category, nagwagi ang Taloy Farmers Multipurpose Cooperative, na kumubra ng P200,000; pangalawa ang Igorot Treasure, may P150,000; at Lubao International Balloon and Music Festival in Pradera Verde, na may P100,000 premyo.

-Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA