Mayuming Fil-Am beauty, bumasag sa Philippine record
ILAGAN – Pinatunayan ni Filipino- American Natalie Uy na hindi lamang ang kayumihan ang maibibida para sa Team Philippines baskus ang husay at galing.
Ipinamalas ng US-based Pinay ang material na posibleng maipanabay sa Olympics sa kahanga-hangang record-breaking win women’s pole vault ng 2019 Ayala-Philippine Athletics Championship nitong Miyerkules sa Ilagan City Sports Complex.
Nilagpasan ng bagong recruit ni Philippine Amateur Track and Filed Assoaition (Patafa) president Popoy Juico ang 11-taong record na 4.11 meter na naitala ni Deborah Samson sa 2008 California Regionals sa gintong medalyang panalo na 4.12 meters sa kanyang unang pagtatangka.
“I was a little nervous the whole week but I just had to go out and play today,” pahayag ng Ohio native, naghintay ng pitong buwan para makumpleto ang mga dokumento at mapabilang sa National Team.
“It’s incredible. I’m very happy how it went out today. I’m just really happy to come over here,” aniya.
Kabilang siya siya sa line-up ng Philippines sa 2018 Asian Games sa Indonesia, ngunit hindi umabot sa deadline ang kanyang mga papeles at naibigay sakanya ang Philippine passport sa kalagitnaan ng kampanya ng Pinoy sa Asiad.
Kung walang pagbabagong magaganap, ang marka ni Uy ay sapat na para sa gintong medalya sa Southeast Asian Games – at bagong marka matapos maitala ni Chayanesa Chomchuendee ang 4.1 meters sa 2017 edition ng biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Tangan ni U yang personal-best 4.30 meters na naitala niya sa ensayo sa Spain sa nakalipas na taon.
“Absolutely! Yes, I can do better than this,” pahayag ng 24-anyos na may lahing Cebuana. “With more training, yes, I can do better. I’m excited to train and bring home the gold this coming SEA Games.”
Nakumppleto ng Team Philippines ang pagwalis sa naturang event nang makuha nina Fil-Am Alyana Nicolas at Riezel Buenaventura ang silvre at bronze medalya sa naitalang 3.80 at 3.40 meters, ayon sa pagkakasunod sa torneo na inorganisa ng Patafa sa pakikipagtulungan ng City of Ilagan, Ayala, Milo, Philippine Sports Commission, Soleus, L.TimeStudio, Cherrylume, Foton, Asian Athletics Association at International Association of Athletics Federation.
Sa 10,000 meters nakuha ng RP Team ang unang ginto nang pagbidahan ni Philippine Army’s Richard Salaño sa tyempong 31 minuto at 42.31 segundo laban sa kababayan na sina Philippine Air Force’s Rafael Poliquit (31:42:96) at Anthony Nerza (31:43:89).
Target ng Army Corporal na si Salaño na makopo ang thriple gold sa torneo sa kanyang pagsabak sa men’s 3,000- meter steeple chase at 5,000 meters sa susunod na araw sa torneo na ginagamit na basehan para sa binubuong RP team sa SEA Games.
Nagpatuloy ang dominasyon ng Pinoy nang magwagi si Majayjay, Bukidnon native Christine Hallasgo sa women’s 10,000 meters sa tyempong 38 minuto at 39.27 segundo, laban kina Janice Nerza (42:36:27) ng Air Force at Maria Lyka Sarmiento (46:36:08) ng Adamson.
Nakamit naman ng beteranong si Janry Ubas ang gintong medalya sa men’s long jump sa layong 7.55 meters kontra kay reigning champion Julian Fuentes.
Pumuwesto lamang sa ikaanim si Malaysia SEAG bronze medalist Fil-Am Donovant Arriola sa 7.07 meters.
Kumubra naman sina Daynata Daniella (women’s discus throw) at Angel Carino (women’s triple jump).