Binomba ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu, kahapon ng umaga, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kinumpirma ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), patuloy pa rin ang isinasagawa nilang hot pursuit operations laban sa mga bandido sa lalawigan.
Sa pahayag ng tagapagsalita ng WestMinCom na si Col. Gerry Besana, sinimulan ng Philippine Air Force ang pagbomba sa Sitio Agas-Agas at Limasan sa Barangay Kabbun,
Takas, sa nasabi ring bayan, na pinagkukutaan ng aabot sa 200 na bandidong pinamumunuan nina ASG leader Radulan Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan.
Idinagdag pa nito, wala pang resulta ag nasabing airstrike dahil nagsasagawa pa ng clearing operations ang militar.
-Francis T. Wakefield