Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Northport vs Meralco

7:00 n.g. -- San Miguel Beer vs NLEX

UMANGAT sa solong ika-4 na puwesto ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pagsagupa sa NLEX sa tampok na laro ngayon ng 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Kasalukuyang kasalo ang Beermen ng TNT Katropa sa ika-4 na puwesto taglay ang barahang 4-3.

Galing sa 25 limang araw na break kabilang na ang 2 week break noong nakaraang 6th window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers, haharapin ng Beermen ang Road Warriors sa tampok na laro ngayong 7:00 ng gabi kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Northport at Meralco ganap na 4:30 ng hapon.

Tatangkain ng San Miguel na dugtungan ang naitalang back-to-back wins, pinakahuli noong Pebrero 10 kontra Magnolia sa iskor na 113-92.

Para naman sa katunggaling Road Warriors, na naunang nag break sa kanila ng dalawang araw, tatangkain nitong bumalik sa winning track matapos maungusan ng namumunong Phoenix Pulse, 83-82 noong Pebrero 8.

Mauuna rito, target naman ng Batang Pier na umangat sa ikalimang posisyon at sumalo sa Barangay Ginebra Kings(3-3) sa pagtutuos nila ng Bolts na hangad namang makaahon sa kinalugmukang tatlong sunod na kabiguan na nagbaba sa kanila sa markang 2-5.

-Marivic Awitan