Apat na magkakaanak, kabilang ang isang buntis, ang nasawi makaraang masunog ang kanilang bahay sa Arakan, North Cotabato.

Three were injured after Scaffoldings in the 7th floor of a buil

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na tumupok sa luma at dalawang palapag na bahay ni Ronie Monteser, 44, sa Sitio Little Baguio sa Barangay Meocan, Arakan, bandang 1:45 ng umaga nitong Miyerkules, iniulat ng DXND sa Kidapawan City.

Nasawi si Monteser, ang 19-anyos na buntis niyang anak na si Mary Jean Monteser; kinakasama nitong si Rainhart Carugda; at isang hindi pa natutukoy ang pangalan na isang taong gulang, ayon sa radio report.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Batay sa ulat ng istasyon ng radyo, sinabi ni SFO2 Ronald Valle, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Arakan, na mabilis na nilamon ng apoy ang luma at yari sa kahoy na bahay ng mga Monteser.

Posibleng lumaki ang apoy dahil sa pagsabog ng fuel tank ng motorsiklo ng isa sa mga biktima na nakagarahe sa loob ng bahay, ayon sa paunang imbestigasyon ni Valle.

Ali G. Macabalang