TAPIK sa balikat ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang ayuda ng pribadong sektor para sa paghahanda sa 30thSouth East Asian Games sa Nobyembre.
Ipinahayan ni PHISGOC Chairperson Alan Peter Cayetano ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Ajinomoto Philippines.
“The outpouring of support from multinational companies encourages the organizers to work harder every day,” pahayag ni Cayetano.
Nilagdaan ang MOA nina Cayetano at CEO ng Ajinomoto na si Takaaki Nishii.
Ayon kay Cayetano, malaking bagay ang suporta at tulong ng pribadong sektor upang masiguro ang tagumpay ng SEAG hosting.
“We thank Ajinomoto for the partnership. We assure them that every cents that they will spend on this partnership is worth it,” aniya.
Ikinasiya naman ng mga namumuno ng Ajinomoto ang naturang partnership gayung ito umano Ang ikalawang pagkakataon na nakipagsanib puwersa sila sa host country ng SEA Games.
“This is the second time that we are participating in the SEA Games. The last time we did was with Malaysia. Since we want all our athletes to be healthy that is why we decided to give support to this prestigious event,” ayon kay Corporate Vice President ng Ajinomoto na si Kaoru Kurashima.
Ang misyon na “Eat well, Live well” ng kompanya ang nais na maibahagi sa mga atleta.
-Annie Abad