‘ININIS’ na naman ni Lovi Poe ang mga kaibigan at followers niya sa Instagram nang muli siyang mag-post ng litrato niyang almost naked, na kuha sa shoot ng ad campaign for Belo.

Ibang pose naman ang ipinost ni Lovi, at kitang-kita pa rin ang kanyang kaseksihan.

Napa-comment tuloy si Iza Calzado: “Nakakainis kaaaaa!!!”

Pati ibang kaibigan sa industry ni Lovi ay binati siya, at excited nang nag-aabang sa mga susunod pa niyang pasabog.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang unang video post ni Lovi na topless siya ay may more than one million likes na and still counting. Ang bagong picture na ipinost niya, may 145,681 likes na as of writing, at mabilis na nadadagdagan ang likes.

Hindi naman maiwasang may mga negative reaction sa tapang ni Lovi na mag-post ng daring at sexy photos niya. Sabi nila, alagaan daw ng aktres ang katawan niya, at ‘wag masyadong ibilad sa social media.

-NITZ MIRALLES