Good news! Patuloy sa pagbaba ang inflation rate sa bansa.

BUSY SI ATENG Abala sa pagtitinda sa kanyang puwesto ang isang tindera ng gulay sa Paco Market sa Maynila. (ALI VICOY)

BUSY SI ATENG Abala sa pagtitinda sa kanyang puwesto ang isang tindera ng gulay sa Paco Market sa Maynila. (ALI VICOY)

Pinuri ng Malacañang ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa at nangakong mananatiling nakabantay sa mga presyo ng bilihin.

"Inflation continues to drop, as we predicted, with the February 2019 figure showing its fourth month of deceleration at 3.8%,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"The Palace welcomes this positive development as proof that the macroeconomic policies of the Duterte Administration have been effective in addressing soaring prices,” dagdag pa niya.

Nauna rito, inihayag ng Philippine Statistics Authority na lalo pang bumagal ang inflation ng bansa sa 3.8 porsiyento nitong Pebrero, kumpara sa 4.4% noong Enero.

Ang numero, na itinuturing na pinakamababang inflation rate simula Marso 2018, ay nagpanumbalik sa 2-4% target ng pamahalaan sa 2019.

Positibo ang Palasyo na patuloy pang bababa ang inflation rate.

"We expect further improvement and disinflation as we continue to remain vigilant in monitoring the prices of basic goods used by ordinary Filipino consumers,” ani Panelo.

-Genalyn D. Kabiling