NILINAW ng Kapamilya star na si Maymay Entrata ang mainit na usapin ngayon sa social media na nagtutulak sa kanya para subukang sumali sa beauty pageant.

Maymay copy

Kasunod ito ng agaw-atensiyon niyang pagrampa sa Raise Your Flag homecoming celebration kamakailan para sa naging tagumpay ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sa launching ng bagong single ni Maymay na Kakayanin Kaya, under Star Music, isa sa mga naging usapan ang kanyang saloobin sa pagsali sa beauty pageant.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“’Pag beauty queen kasi hindi po clear sa akin kung ‘yun ang gusto ko. Maraming salamat po sa nagsasabi, [pero] para sa akin, magiging mahirap ‘yun. Marami pa akong pina-priority sa buhay ko, may trabaho po rito sa showbiz,” sinabi ni Maymay sa entertainment press.

Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga nakapansin sa ipinamalas niyang husay sa pagrampa ala-Miss Universe Philippines.

“Sa pageant naman po, salamat po sa lahat ng naka-appreciate sa lakad ko. Para sa akin malabo pa na gusto ko siya sa ngayon,”sabi ni Maymay.

Kuwento pa niya, hindi sumagi sa isipan niya, kahit noon pa, ang maging beauty queen.

“Sinasabi ng Lolo ko. Sabi ko, ‘Maawa ka sa akin.

Wala kong dibdib, ‘tay!,” tumatawang kuwento ng Kapamilya star.

Pagdating naman sa usapin sa pagbibigay-buhay ni Maymay sa life story ni Catriona, sinabi ng una na mahalagang ikonsidera ang gusto ng tao, kahit pa aware siya na personal choice siya ng ikaapat na Pinay Miss Universe.

“Ang alam ko po, isa po ako sa mga gusto ni Ms Catriona Gray. Pero kung papagawain po ako? Ah talagang overwhelmed ako. Sobrang humbling na ako ang isa sa mga pinili ni Ms. Catriona, pero ganon nga po nakakakaba talaga,” paliwanag ni Maymay.

“Tsaka gusto ko sang-ayon lahat ng tao. Gusto masaya lahat sila, hindi ‘yung ‘ah, bakit siya? ganito, ganyan’. Dapat kung ano ang majority na gusto ng tao, ‘yun ang dapat sundin,” sabi pa ni Maymay.

Aminado naman ang Kapamilya star na malaking-malaki ang pagkakaiba nila ni Catriona.

“Siguro po kasi, magkaiba kami ng culture ni Ms. Catriona. Hindi ko alam kung nagdadalawang-isip sila, ganun. Tsaka alam n’yo naman na ang ganda ni Ms. Catriona. English din siya, alangan naman na mag-English din ako sa MMK (Maalaala Mo Kaya),”sabi pa ni Maymay.

-ADOR V. SALUTA