Inaresto ng National Bureau of Investigation ang dating pulis na nag-viral ang video habang tino-torture umano ang isang bilanggo sa Maynila, noong 2011.

PO1 Nonito Binayug

PO1 Nonito Binayug

Kinilala ni NBI spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin ang inaresto na si dating Police Officer 1 Nonito Binayug.

Dinampot ang suspek sa Tondo, Maynila nitong Huwebes, Pebrero 28, ng mga operatiba ng NBI’s Special Unit (NBI-SAU), na nagsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.

National

VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Ayon kay Lavin, ang suspek ay nagtago simula nang siya ay kasuhan sa paglabag sa RA 9745, ang Anti-Torture Act of 2009.

Si Nonito at ang nakatatanda niyang kapatid, si dating Senior Insp. Joselito Binayog, ay sangkot sa pag-torture sa isang lalaking bilanggo sa Tondo noong 2011.

Nakuhanan ng video ang insidente, na nag-viral sa Internet.

Mapapanood sa video na hinihila ni Joselito ang string na nakakabit sa ari ng biktima.

Sinabi ni Lavin na si Nonito ay inareso matapos na impormahan ang NBI na namataan itong nakikipag-usap sa kapitbahay.

Samantala, si Joselito ay una nang inaresto at nasa kustodiya ng pulisya.

Jeffrey G. Damicog