NAPATIGIL ni WBO minimumweight champion Vic Saludar ang pagdomina ng Hapones na si Masataka Taniguchi tungo sa 12-round unanimous decision win nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Korakeun Hall sa Tokyo, Japan.
Nahadlangan ni Saludar ang walang patid na atake ni Taniguchi sa matutulis na suntok para magwagi sa mga huradong sina Luis Ruiz ng Puerto Rico, 118-110; Chris Tellez ng United States, 117- 111; at Surat Soikrachang ng Thailand, 117-111.
“Filipino puncher Vic ‘Vicious’ Saludar (19-3, 10 KOs), 105, kept his WBO minimumweight belt as he outboxed and outpunched Japanese southpaw Masataka Taniguchi (11-3, 7 KOs), 105, to win a unanimous decision over twelve sizzling rounds on Tuesday in Tokyo, Japan,” ayon sa ulat ni Joe Koizumi ng Fightnews.com. “It was really a close game with Taniguchi, with his tight guard, stalking the champ and Saludar occasionally countering with solid rights to the willing mixer. The referee was Kenny Bayless (US).”
Ito ang unang pagkatalo ni Taniguchi sa isang Pinoy boxer matapos sunod-sunod na talunin sina Joel Bactul (KO 2), Dexter Alimento (SD 6), Vincent Bautista (UD 6), Reymart Taday (TD 6) at Joel Lino (UD 12).
Ikalawang sunod na panalo naman ito sa puntos ni Saludar sa isang Hapones sa Japan matapos maagaw ang WBO minimuweight belt sa dating kampeong si Ryuya Yamanaka noong Hulyo 13, 2018 sa Central Gym sa lalawigan ng Kobe.
-Gilbert Espeña