YES, parehong hindi nagpatalbog sa pag-acting sina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil sa Kapuso primetime series na Onanay sa nalalapit nitong pagtatapos sa susunod na buwan.

Nora at Cherrie

Acting kung acting ang ipinamalas nila at puwedeng masabing belong sila sa Team Gilas na nagpakita talaga ng gilas sa pag-arte.

Parehong may moments ang dalawa sa Onanay in pernes, ha!

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nauna si Ate Guy na magpakita ng kanyang moments sa Onanay du’n sa eksenang kalong at iniiyakan niya ang bangkay ni Gardo Versoza na gumaganap na kapatid niya sa nasabing serye.

Pagkatapos noon ay nu’ng makita niya si Cherie sa burol ni Gardo at magkaroon ng confrontation scene at sampalan blues.

Sabi nga ng mga nakapanood ay talagang wala pa ring kupas sa pag-arte ang nag-iisang superstar ng ‘Pinas, sa true lang.

Kabog naman ang acting ni Cherie nang iwan siya nang inaruga at itinuring niyang tunay na anak si Nathalie played by Kate Valdez. Ipinakita nito sa harap ng kamera kung gaano kasakit mawalan ng anak.

Tapos sinundan pa ito nang masunog ang kanyang mansion habang mag-isa lang roon at hirap na hirap siyang makatakas sa sunog.

Klap, klap, klap! Bravo to both Nora Aunor at Cherie Gil sa pagpapakita ng kani-kanilang gilas sa pag-arte sa Onanay.

At least, pareho silang nabigyan ng “moments” ni Direk Gina Alajar, ha!

Wish tuloy ng netizens, sana raw ay magkaroon agad ng project ang dalawa pagkatapos ng serye na kung saan ay magkapatid naman ang role nila.

Well, ‘yon din ang wish namin. Sana kayo rin! ‘Yun na!

-MERCY LEJARDE