GRAND finale na ng sinubaybayang top-rating GMA 7 Afternoon Prime drama series na Asawa Ko, Karibal Ko nina Kris Bernal, Thea Tolentino, at Rayver Cruz, sa Saturday, March 2.

Thea , Kris at Rayver

First time nakatrabaho ni Kris sina Rayver at Thea. Ang Asawa Ko, Karibal Ko naman ang first teleserye ni Rayver sa GMA matapos siyang lumipat mula sa kabilang network.

“Love triangle kaming tatlo sa serye,” sabi ni Kris. “At ang dami ngang nangyari dahil kami ni Gavin (Rayver) ang mag-sweetheart, pero dati rin silang may relasyon ni Venus (Thea) noong nasa States sila. Nang mag-break sila at umuwi si Rayver dito, naging kami, bumalik din si Venus dito at iyon ginawa niya ang lahat para maagaw sa akin ni Gavin. Kaya naman grabe pisikalan namin ni Thea tuwing magkikita kami.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Naaawa na ako kay Thea dahil mahirap talaga ang role niya, lalo na at lagi siyang naka-5 inch heels para mas matangkad siya sa akin.

“Pero bilib ako sa professionalism ni Thea, wala siyang reklamo kahit after ng catfight namin, mayroon din siyang pasa, hindi kasi maiwasan kung minsan na masugatan din siya kapag intense ang eksena namin. Hirap din siya sa mahabang hair extension na gamit niya na kung minsan ay nahihila ko talaga kaya masakit iyon.”

Nagkaroon nga raw ng attachment si Kris sa mga kasama nila sa serye, isa rito si Lotlot de Leon na ilang beses na rin niyang nakasama sa mga previous serye niya.

Ano naman ang impression niya kay Rayver bilang katrabaho?

“Ganoon pala kahusay at kabait si Rayver. Napakakalog din niya pero kapag ang eksena ay dapat seryoso na siya, napakaseryoso niya at napakahusay niyang gampanan ang character niya,” sabi ni Kris.

“Bago ko man silang nakasama, madaling gumaan ang sarili ko sa kanilang lahat. Happy set nga kami kapag may taping. Kaya silang lahat, mami-miss ko ang pagsasamahan namin.

“Ilang araw na lang kaming mapapanood pero hindi namin kayo bibiguin sa mga magaganda pang eksenang mapapanood ninyo.”Siyempre pa, nagpasalamat si Kris sa lahat ng sumubaybay sa Asawa Ko, Karibal Ko, kaya abangan ang grand finale nito sa Sabado.

-NORA V. CALDERON