WINNER ng StarStruck Batch 3 si Jackie Rice, na gaya ng kahit sinong artista ay nangangarap ding magbida sa teleserye o pelikula. Pero up to now ay pang-supporting lang ang roles na napupunta kay Jackie, at laging kontrabida siya.

Jackie copy

But no regrets, sabi ni Jackie, na main contravida ngayon sa TODA One I Love nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

“Huwag pilitin kung hindi puwede. Ang mahalaga ay mayroon akong project at hindi ako pinababayaan ng GMA,” sabi ni Jackie.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Villain roles has advantages. Identified agad ang karakter ko sa televiewers. At saka when it comes to offers ay hindi po ako choosy.”

Sa TODA One I Love, ginagampanan ni Jackie ang karakter ni Tiffany, na pilit na aagawin si Ruru away from Kylie.

-Remy Umerez