NASULAT namin dito sa Balita na itinanggi ni Angel Locsin na nag-walk out siya sa taping ng The General’s Daughter nitong Pebrero 15 dahil nakasagutan niya ang direktor na si Manny Palo.

Angel

Matipid ang naging sagot ng aktres nang tanungin namin tungkol dito, “wit, super okay kami as in. “

Alam din niyang ginagawan sila ni Direk Manny ng isyu, “oo nga, eh. Kalurks.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming nagtatanong kay Angel kung ano ba talaga ang buong nangyari at may kanya-kanyang bersyon abg naglabasan, pero nanatiling tahimik ang aktres

Base sa pagkakakilala namin sa dalaga noong nasa GMA 7 palang siya bilang si Alwina ng Mulawin hanggang sa naging si Darna, ay tumatahimik muna siya kapag may isyu o balitang hindi totoo tungkol sa kanya. Pinalilipas muna niya ang isyu at saka siya sumasagot o nagpapaliwanag.

Hindi pa rin nagbago ang aktres dahil isang linggo na ang nakalipas ay wala pa ring sagot na nakukuha mula sa kanya at ganoong din sa Dreamscape Entertainment na producer ng The General’s Daughter.

Pero sa kanyang Instagram post nitong Linggo ng gabi ay nag-post na si Angel ng, “A long time ago. I learned not to explain things to people who are committed to misunderstanding me.”

Umabot sa 100k ang likes ng postat may 785 comments na pawang nagsasabing dedmahin na lang ng aktres ang isyu, tulad ng sabi ni @queen_joyagaliza, “People has always something to say! Keeping quiet to these kind of people gives us more peace!

Karamihan naman ay binati ang magandang larawang ipinost niya na totoo naman, ang ganda ni Angel at isa na nga ang singer/actress na si Vina Morales sa nagsabing, “ganda.”

“That’s my Mars” naman ang komento ng bestfriend ng aktres na si Dimples Romana.

Ang aktor na si Marvin Agustin na dating nanligaw sa aktres ay nagkomento rin ng, “Beautiful! And thank you for that beautiful reminder.”

At siyempre ang knight in shining armor at love of her life na si Neil Arce ay tatlong emoji kisses at fist-bump ang comment.

Base rin sa kuwento sa amin ay tuloy naman ang taping ni Angel ng The General’s Daughter.

-Reggee Bonoan