PINURI ng netizens ang kauna-unahang Pinay na Victoria’s Secret model na si Kelsey Merritt na nagpa-pictorial na kita ang stretch marks sa mga hita. Ang nasabing litrato ay kuha sa photo shoot ni Kelsey para sa cover niya sa Sports Illustrated Swimsuit.

Kelsey copy

Natuwa ang netizens, masaya raw silang makakita na may stretch marks din ang mga modelo at celebrity, gaya ng mga karaniwang tao.

“Thank goodness may stretch marks din siya. It’s normal,” komento ng isa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Stretch marks? So what?! Thanks for keeping it real, Kelsey! I enjoyed all your SI shoot posts,” saad naman ng isa pa.

Sinabi ni Kelsey na sa May ang release ng Sports Illustrated Swimsuit magazine na siya ang cover. Tiyak na maraming Pinoy ang bibili ng kopya nito, dahil si Kelsey ang first Filipina to grace the cover of said magazine.

-Nitz Miralles