ISA sa mga mahuhusay na young kontrabidas ngayon si Lauren Young, pero bakit nga ba hindi siya naiintriga na dala niya sa set ang kanyang character, bonus pa ang sinasabi ng production staff na mahusay na, ay mabait pa siya.
Natawa kami sa sagot niya na “binabayaran ko sila para hindi nila ako siraan, charot!”
“Bakit naman kasi ako magmamaldita lalo na sa production staff,” nakangiting wika ni Lauren. “I love my work, I love what I’m doing at lagi kong ipinagpapasalamat na may trabaho ako. Sabi ko nga, tinanggap mo ang work na ibinigay sa iyo, ipagpasalamat mo dahil hindi lahat ng artista nabibigyan ng ganoong chance.
“Kapag masungit ka, mawawalan ka ng trabaho. Dapat ka pa bang magreklamo sa blessings na ibinibigay sa iyo, mayroon kang air-conditioned tent, libre ang food, saka tinanggap mo ang work, nasa contract mo iyon kaya you should deliver, ang ganda-ganda ng trabaho namin. Kung halimbawa, inabot ka ng the next day na nagtatrabaho at hindi ka nakatulog, bakit ka magrereklamo, pewede namang matulog pag-uwi mo pagkatapos ng taping. Kaya I’m really thankful sa GMA Network dahil hindi ako nawawalan ng trabaho. After ng ‘Contessa’, nagpunta pa ako ng Korea to shoot some a scene in a Koreanovela with Ejay Falcon, at ngayon, my new project, itong ‘Hiram Na Anak’.”
Kontrabida uli si Lauren as Dessa sa teleserye na idinidirek ni Gil Tejada na ikinatuwa ng actress dahil first time niyang makakatrabaho ang direktor at first time din nilang magkakasama ni Yasmien Kurdi. Si Dion Ignacio naman ay nakatrabaho na sa Marimar ng sister niyang si Megan Young. Love triangle naman sila sa serye nina Empress Schuck at Paolo Contis.
Non-showbiz ang boyfriend ni Lauren. Kahit wala na sila ng dating boyfriend na si Elmo Magalona, si Pia Magalona pa rin ang manager niya. Seven years na sila at thankful siya kay Pia dahil laging magaganda ang projects na nakukuha nito para sa kanya.
Sa Monday, February 28, ang premiere telecast ng Hiram Na Anak sa morning time slot, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga sa GMA 7.
-NORA V. CALDERON