BAHAGYA lamang pinagpawisan ang General Trias at Binangonan bago kapwa namayani laban sa kani-kanilang mga katunggali sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup basketball championship kamakailan sa Binangonan Recreation at Conference Center sa Binangonan, Rizal.

SINAGASA ni Karl Valle ng Binangonan ang depensa ng karibal na Rizaba sa kainitan ng kanilang laro sa Founder’s Cup ng Community Basketball Association (CBA) nitong weekend sa Binangonan Recreation at Conference Center.

SINAGASA ni Karl Valle ng Binangonan ang depensa ng karibal na Rizaba sa kainitan ng kanilang laro sa Founder’s Cup ng Community Basketball Association (CBA) nitong weekend sa Binangonan Recreation at Conference Center.

Pinayuko ng General Trias ang Parañaque, 80-77, habang winalis ng Binangonan ang Rizaba, 122-94, upang kaagad magpasiklab sa bagong tatag na liga na pinangangasiwaan ni actor-director Carlo Maceda.

Pakitang gilas si Chester Ian Melencio na umiskor ng 30 puntos sa 9-of-16 shooting upang pangunahan ang Braves sa community-based grassroots development tournament.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Nag-ambag din si Haddi Porto ng double-double na 14 puntos at 10 rebounds para sa Braves, lumamang ng 22 puntos bago pinigil ang huling resbak ng Green Berets.

Nanguna sa Paranaque si Dwight Saguiguit na may 25 puntos, tampok ang anim na triples. Samantala, sumandal ang Binangonan sa mahusay na paglalaro sa third quarter upang biguin ang Rizaba sa kanilang sagupaan.

Nagsanib puwersa sina Viel Tumalon, Ernest Oduca, Felipe Chavez at Ivan Cuyong para humatak ng kabuuang 61 puntos para sa panalo ng Slashers laban sa Raptors.

Iskor:

(Unang Laro)

General Trias Braves (80) - Melencio 30, Porto 14, Evangelista 9, Prudente 7, Tajonera 6, Dejito 4, Laureno 4, Docto 2, Rosales 0, Escobal 0, Alcaraz 0

Parañaque Green Berets (77) - Saguiguit 25, Sala 9, Menguez 9, Dela Cruz 8, Mangalino 7, Almeda 5, Aboludto 5, Begaso 5, Geronimo 2, Lucente 2, Indoy 0

Quarterscores: 27-7, 44-26, 57-49, 80-77.

(Ikalawang Laro)

Binangonan Slashers (122) -- Tumalon 18, Oduca 16, Chavez 14, Cuyong 13, Valle 9, Agulto 8, Alade 8, Colot 7, Dionisio 7, Abufan 6, Roca 6, Picones 6, Leal 4.

Rizaba Raptors (94) -- Arcilla 29, Figuracion 16, Lodia 16, Del Rosario 8, Lu 7, Razon 7, Se 7, Arellano 7, Peog 6, Tenorio 0, Mercado 0, Danao 0, Penalva 0

Quarterscores: 29-21, 57-44, 92-67, 122-94.