Nadagdagan pa ang kinakaharap na kaso ni dating Health Secretary Janette Garin kaugnay ng pananagutan nito sa pagkasawi ng mga batang tinurukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

DENGVAXIA

Ito ay nang sampahan pa ito ng tatlong kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ), kahapon.

“Nag-file po kami ng tatlong set ng Dengvaxia deaths criminal cases,” pagkumpirma ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hawak ng PAO ang mga reklamong iniharap laban kay Garin.

Ipinahayag ni Acosta, kabilang sa nagsampa ng kaso ang mga magulang nina Annaliza Silverio, Aldrid Aberia, at Mikhaela Mainit, pawang nasawi sa Dengvaxia vaccine.

“So bale 35 na ang pending dito na may kaugnayan sa pagkamatay ng 35 bata, pulis at doctor,” sabi ni Acosta.

-Jeffrey G. Damicog