GAMU, Isabela – Arestado ang retiradong sundalo na nahaharap sa kasong rape sa Barangay Guibang, Gamu, Isabela, iniulat ngayong Martes.
Kinilala ang inaresto na si Filimon "Felimon" Carig, Jr., 57, ng Bgy. Guibang.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Andrew U Barcena, ng RTC Branch 17, Hall of Justice, Ilagan City, Isabela, naging matagumpay ang pag-aresto kay Carig para sa kasong rape in relation to RA 7610.
Pinayagan si Carig na magpiyansa sa halagang P200,000.
-Liezle Basa Iñigo