HINDI pa laos si James Yap. At patunay ang matikas na laro ng isa sa beteranong player sa kasalukuyang PBA season.
Patuloy na pinabibilib ng two-time MVP ang basketball fans sa kanyang istilo at long range shooting at ito ang dahilan para mapili siya bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week awardees.
Naitala ng 6-foot-2 streak shooter ang average 13 puntos, 4.0 rebounds at 1.6 assists para sandigan ang Elasto Painters sa matikas na winning streak bago ang dalawang linggong pahinga para bigyan daan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.
Hataw si Yap, nagdiwang ng ika-37 kaarawa bago ang Valentine’s Day, sa naiskor na 18 puntos mula sa 6-of-9 clip sa three-point zone para pangunahan ang Rain or Shine sa come-from-behind 107-100 panalo kontra NorthPort nitong Pebrero 8.
Nakamarka sa kasaysayan ang stepback three ni Yap sa harap ng depensa ni Paolo Taha sa buzzer para mailusot ang Paint Masters sa 102-100 panalo.
Hindi mas nakaiskor ng double digits, ang all-around leadership ni Yap ang naging gabap ng Rain or Dhine para gapiin ang noo’y walang talon a Phoenix Fuel Masters, 98-94.
Laban sa Magnolia, humirit si James ng 18 puntos sa manipis na 75-74 panalo sa MOA Arena.
Tangan ng Rain or Shine ang 7-1 karta.
Ginapi ni Yap sa parangal ang teammate na si Beau Belga, San Miguel’s June Mar Fajardo, Terrence Romeo at Arwind Santos, gayundin si Alaska guard Chris Banchero, Carl Bryan Cruz at Ping Eximiniano.