ILIGAN CITY – Isa na namang komunistang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng militar sa Aloran, Misamis Occidental, kahapon ng umaga.

Wala pang makuhang pagkakakilanlan ang napaslang na rebelde, ayon kay 10th Infantry Battalion (IB) commander, Col. John Andrada.

Nagsasagawa aniya ng security operations ang mga tauhan nito nang makaengkuwentro nila ang grupo ng mga rebelde sa Barangay San Pedro, dakong 9:40 ng umaga.

Matapos ang 30 minutong sagupaan, iniwan ng kilusan ang napaslang nilan kasamahan.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Narekober sa lugar ang isang AK 47 rifle, tatlong magazine at mga subersibong dokumento.

Kumpiyansa naman si Col. Bagnus Gaerlan, hepe ng 102nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA), na malait na nilang makukubkob ang pinagkukutaan ng mga ito.

-Bonita L. Ermac