BAGO naging Kapamilya, nagsimula bilang child actress sa GMA 7 si Krystal Reyes. Naging mapalad naman siya sa kanyang pagtuntong sa ABS-CBN dahil agad niyang sinimulan ang proyektong handog ng Dreamscape Digital and iWant, ang Valentine’s Day movie na Apple of My Eye.
Sa Apple of My Eye, katambal ni Krystal si Marco Gumabao.
“First project ko dito po sa network (ABS-CBN), kasi natapos ‘yung contract ko with GMA. Actually matagal na tapos. Nag-freelance ako and then kinontak nila ako na meron ngang sinusulat na project si Bela Padilla and naisip nila ako,” kuwento ni Krystal.
“Nung nabasa ko ‘yung script, nagustuhan ko siya. Kasi mahilig ako sa K-drama and ‘yung sinulat ni Bela merong magic ng K-drama, na alam mo ‘yung kikiligin ka kahit sobrang simple lang. Kaya sobrang minahal ko ‘yung script,” dagdag pa niya.
Bago raw nakilala ni Krystal in person si Marco, hindi raw niya alam kung ano ang aasahan sa kanilang tambalan.
“Feeling ko sobrang tahimik niya. Tapos alam mo ‘yung lalaking-lalaki, masculine, ganyan. So nung una hindi ko talaga alam kung paano siya ia-approach. Na-tense ako. Sabi ko, ‘Baka maglabas ng abs si Marco wala akong ipanglalaban’,” biro ni Krystal.
“Nung una ako kinabahan, siyempre ibang production, ibang team ‘yung gagawin ko, and then si Marco sa kabilang bakod din siya. So sobrang kinabahan ako. ‘Yung taping kasi namin ang laki ng gap dahil ‘yung panahong nag-shoot kami, ‘yun ‘yung panahon ng Holy Week. So ang daming bakasyon.
“Kaya nung una nahirapan kaming mag-usap kasi sobrang mahiyain ako. ‘Pag naging comfortable lang ako dun sa tao, saka lang ako nagigng madaldal. At saka mahilig talaga ako sa basketball, kasi fan ako. Eh, basketball fan din siya, tapos (Los Angeles) Lakers (fan) din siya, so dun kami nagsimula,” aniya.
Nitong nakaraang Valentine’s Day, sinabi ng bagets star na wala siyang ka-date.
“’Yung sarili ko date ko,” natatawang pag-amin ni Krystal. “Medyo hopia ako ngayong Valentine’s. Manonood na lang ako ng Apple of My Eye.
“Merong mga nanligaw, pero hindi pa dumarating talaga. Siguro dahil parang nahihirapan pa din ako mag-adjust sa ganun. Kasi sanay nga ako na bunso ako sa set, sanay ako na bagets bagets lang ako. ‘Yun lang nung nag-aaral ako, ‘yung mga pa-cute cute lang sa text, ganyan lang. Pero ‘yung nadala talaga sa bahay at na-meet ng parents wala,” pagtatapos ni Krystal.
-ADOR V. SALUTA