Inilunsad ngayong Valentine’s Day ng Department of Transportation ang “Serbus” bilang handog nito sa commuters sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

PITX

Ayon sa DOTr, ang Serbus ay magbibigay ng libreng sakay sa mga commuter ng PITX.

Isinagawa ang launching at blessing ng proyekto sa Bonifacio Shrine, sa Ermita, Maynila, ngayong Huwebes ng umaga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ilalim ng proyekto, anim na air-conditioned bus units ang magbibigay ng libreng sakay sa mga commuters na ihahatid sa PITX, mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga; at simula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.

Ipaiiral ito sa mga rutang Lawton-Baclaran-PITX, at pabalik; at Monumento-EDSA-Baclaran-PITX, at pabalik.

-Mary Ann Santiago