ANIM na kompanya a n g s u m a g o t s a p a n a w a g a n p a r a magbigay ng ayuda sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

L u m a g d a n g kasunduan kasama ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) ang mga kompanyang, Philippine Airlines, Atos , Gl events, Grand Sports, Asics at Sonak bilang katuwang sa pagsasaayos ng hosting ng nasabing binennial meet.

M i s m o n g s i n a Phisgoc chairman Allan Peter Cayetano at co-chairman na si Philippine Sports commission (PSC) Chairman William “ B u t c h ” Rami r e z kasama sina Phisgoc Director General Patrick gregorio ang siyang humarap at lumagda sa Memorandum of Agreement para sa mga nasabing sponsors na ginanap kahapon sa SM Aura sa Taguig City.

Ang P h i l i p p i n e Airplines ang siyang magsisilbing official ariline carrier na siyang maghahatid at sundo sa mga delegasyon na darating, ang Atos naman na buhat sa Espanya na siyang eksperto sa mga digital transformation na siyang magiging official games management na siya ring ginamit para sa Olympics at Asian Games.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang GL events na buhat sa France ay isang world class provider ng inter-grated solutions na siyang gagawa ng overlays para sa nasabing events para sa 39 sporting venues na gagamitin sa SEAG, habang ang grand Sport naman na nakabase sa Thailand ang siyang bahala sa mga uniforms ng mga volunteers at technical officials .

Ang Asics na buhat sa Japan, ang siya namang bahala sa mga official kits na isusuot ng mga national Athletes. ang Sonak naman na siyang gumawa ng Mikasa at Molten ang siyang magbibigay ng mga bola na gagamitin sa mga laro.

Ang Media Pro naman ang bahala sa international broadcast na siyang official media at partner ng Phisgoc para sa 11-nation competition.

“We win as one,” pahayag ni Cayetano na siya ring tema ng 30th SEAG. “Together, we can make this the most viewed and best hosted SEAG,” aniya.

Ayon naman kay PSC chief Ramirez, mahalaga ang partnership na kanilang nakuha sa mga nasabing sponsors gayung makakatulong ito hindi lamang sa pagpapakilala sa SEAG kundi sa buong mundo.

“More than just investing in this year’s SEA Games, you are investing in our country, our people, and the development of our athletes. Not only Filipino athletes but athletes of the Southeast Asian region,”ani Ramirez.

-Annie Abad