PAGSUSULAT ng script ang pinagkakaabalahan ngayon ni Bela Padilla, at pinitch niya ang dalawang bago niyang kuwento sa ABS-CBN Digital Media. Pareho itong na-approve, kaya ibinigay niya ito sa Dreamscape Digital, na pinamamahalaan ni Deo T. Endrinal.

belapadilla-0312-1802 copy

Base sa panayam kay Bela sa presscon para sa Apple of my Eye digital movie, na mapapanood sa iWant sa Pebrero 14, isa ang aktres sa first batch ng writers na naimbitahang mag-pitch, kaya ang tuwa niya nang parehong nakapasok ang dalawang script niya.

Co-producer din si Bela sa digital project niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“First time kong mag-produce sa isang project na very hands on. Dati kasi ‘pag sinabing magpo-produce kami, mas pinapasok ko lang ‘yung TF ko (waive), or parang kung may puwede ba akong idagdag, mas pera talaga. This time more on decision, that kind of producing it, overall talaga. Very different sa lahat ng nagawa ko,” kuwento ng actress cum producer/writer.

Katuwang ni Bela si James Mayo sa Apple of my Eye bilang direktor, na aminado na convenient na ngayon ang digital platform, dahil halos lahat ng tao ngayon ay nakatutok na sa Internet.

“May time kang panoorin na ngayon sa Internet anytime, lalo na ‘yung panahon ngayon na busy ang mga tao. So may schedule sila kung kailan nila ito panonoorin. Doon na talaga patungo ngayon, live streaming,” sabi ni Direk James.

Aware ba sila na dahil sa mga digital film tulad ng Netflix, iFlix at iWant ay namamatay na ang platform ng cinema?

“Hindi naman din, kasi hangga’t may mga filmmaker, lalo na sa Hollywood na may advocate ng cinema, feeling ko, as long as may mga taong gumagawa ng cinema, hindi naman mamamatay,” paliwanag ng direktor.

“Ako, I don’t think so. Also every generation naman may nagbabago, ‘di ba? Like cassette tape, naging CD na naging iPod. So, kailangan nating sakyan, and I’m so happy na isa kami sa naunang nabigyan ng chance sa iWant, kasi this is gonna be more convenient for people ‘pag naging obsolete later on ang TV. At least mayroon tayong platform na ganito. Ako honestly ‘pag nasa kotse ako at trapik, nanonood ako ng shows,” sabi naman ni Bela.

“Pero feeling ko movies, matagal pa ‘yan. Kasi ako I love watching pa rin sa sine. Like last week, nakadalawang sine ako. Lahat ng tao may kanya-kanyang preference, let’s give them options. So this is the new options.”

Isa pa siguro sa dahilan kung bakit maraming may gusto na rin sa streaming ay dahil mas matapang ito kumpara sa sine, dahil kontrolado pa rin ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang huli.

“Kasi mas marami kang puwedeng ilabas dito dahil digital. Pero kakaiba itong amin (Apple of my Eye), kasi ine-expect namin na lahat ng ipalalabas sa digital ay mas risky. Puwede kang maghubad, puwede kang magmura,. lahat puwede sa digital, eh.

“Kami, iniba namin. This is the lightest, most easy movie na puwede mong panoorin. Actually, sobrang gaan at gusto naming maiba sa lahat ng mapapanood sa digital,” kuwento ni Bela.

Maganda ang katawan ni Marco Gumabao, na leading man ni Krystal Reyes sa Apple of my Eye. May eksena bang nagpatakam sila rito?

“Ha, ha, ha hindi naman. Sabi nga ni Bela na sa social media ang daming bad vices. So ako talaga advocate ako ng good vibes, kahit sa set, sa shoot,” sabi ni Direk James.

“Gusto ko masaya lang. Kaya feeling ko ang dami-daming bad vibes na sa social media kahit hindi naman intentional. Basta nakaka-pressure sa generation ngayon.

“Magandang project itong Apple of my Eye kasi sobrang chill lang. Good vibes lang at walang masamang tao nga sa story, walang kontrabida. Parang reminiscing somehow ng past kung paano manligaw, o ng love story dati na ilalagay mo sa contemporary setting, parang ganu’n,” paliwanag ni Direk James.

Anyway, may bagong script ulit si Bela na bagay sa kanya.

“Yes, may sinulat ako recently na rom-com, easy lang. Kasi ngayon ang bigat ng ginagawa kong TV show, ‘yung Mea Culpa (kasama si Tony Labrusca). So gusto ko namang gumawa ng magaan.”

At dahil pang-Valentine’s Day ang Apple of my Eye, paano kaya ise-celebrate ni Bela ang Araw ng mga Puso sa Thursday?“I think may lakad kami nina Direk Joyce (Bernal), magkikita-kita kami. Group kami, so tambay lang. Kasi last year, work lang ako nang work,” sabi ng aktres.

Dalawang taon na palang walang kasintahan si Bela, kaya dalawang taon na rin siyang hindi nakararanas ng Valentine’s date. Hinahanap-hanap na ba niya ito?

“Hindi po, ang dami kong ginagawa, sana hanapin niya ako, charot!” tumawang sabi ni Bela.

“Ang sayang magtrabaho pala, iba pala kapag work ka lang nang work, mas productive. Iba,” sabi pa ng aktres.

-REGGEE BONOAN