MARAMING kinilig sa mga nakabasa sa comment ni Matteo Guidicelli na “Super proud of you love. By the way, perfect Italian!! #sarahgatthepapalvisituae” na siyempre pa ay para sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo.
Nakaka-proud naman talaga si Sarah sa flawless at buong husay na performance niya nang bumisita si Pope Francis sa UAE. Napanood namin ang video ng performance ng singer-actress at nagka-goosebumps kami.
Kasama sa repertoire ni Sarah ang The Climb, Forever’s Not Enough, Man in the Mirror, Noypi, Heal The World at The Prayer, na pinuri ni Matteo dahil may part na sa Italian language kumanta si Sarah.
Siyempre, very proud ang mga kababayan natin kay Sarah at napanood naming puno ang venue na pinagdausan ng Papal Mass.
-Nitz Miralles