GAYA ng Pasko, isa sa pinakamasasaya at inaabangang okasyon sa bansa ang Valentine’s Day, kung kailan kabi-kabila ang mga shows, lalo na ang concerts ng both local at foreign artists.

Ogie at Regine copy

Abala ngayon ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa magkahiwalay nilang pagtatanghal sa Araw ng mga Puso.

Master of Love ang pamagat ng show ni Ogie at the Newport Performing Arts sa Resorts World Manila. Special guest niya si Maestro, National Artist Ryan Cayabyab, plus the Ryan Cayabyag Singers.

Tsika at Intriga

Matapos bigyan ng bulaklak: Daniel hinalikan sa bumbunan si Kathryn?

Samantala, tatlong gabi (February 14, 15, at 16) ang concert nina Regine at Vice Ganda, their first time together. Entitled The Songbird and the Song Horse, gaganapin ito sa Big Dome (Araneta Coliseum).

May mga post-Valentine shows din na puwedeng pagpilian, tulad ng Timeless Classics (Martin Nievera at Lani Misalucha) at My Unforgettable Valentine (Kuh Ledezma with Basil Valdez).

And then there’s the well-known Libera boys choir, na naka-base sa London, na magpe-perform sa Meralco Theater sa February 19, sponsored by Philippine Veterans Bank

-REMY UMEREZ