Pinangunahan ng Petron ang malaking dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Biyernes.
Sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Pebrero 1 ay nagtaas ito ng P3.88 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas nito, katumbas ng P42.68 sa bawat 11-kilo ng tangke ng LPG nito.
Bukod pa rito ang P2.17 sa kada litro ng Xtend Auto-LPG, na karaniwang ginagamit sa mga taxi.
Asahan na ang pagsunod ng Solane, Total, at iba pang miyembro ng LPG Marketers Association (LPGMA) sa kaparehong LPG price hike, na bunsod ng pagtaas ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.
Enero 16 nang pinangunahan din ng Petron ang P1.12 kada kilong LPG hike, katumbas ng P12.32 sa bawat regular na tangke nito.
Bella Gamotea