NAPA-tweet pa si Enchong Dee sa sobrang excitement sa nalalapit niyang guesting sa Eat Bulaga this Saturday.

Janine at Enchong copy

“Na-excite akong makapasok sa Eat Bulaga,” tweet ni Enchong, dahil magge-guest sa longest-running noontime show ng GMA 7 ang cast ng pelikulang Elise nila nina Janine Gutierrez at Jackielou Blanco.

“WAAAAH @enchongdee777,” reaction naman ni Janine sa tweet ni Enchong.

Tsika at Intriga

Walang plot twist! Gian Bernardino ng Cup of Joe, ginawang 'pang-clout' ni Maris Racal

Ito rin ang first guesting ng Kapamilya actor sa isang show ng Kapuso network, kahit hindi naman ito produced ng GMA 7.

Bukas na, Sabado, February 2, magge-guest sina Enchong sa Eat Bulaga para i-promote ang Regal Entertainment movie, na showing sa February 6. Pre-Valentine offering ito ng Regal Entertainment, bagay pang date.

Dahil sa tweet ni Enchong, may nag-akala na lilipat na siya sa GMA 7. Ang mga nag-react, hindi yata nabasa na kare-renew lang ni Enchong ng kontrata sa ABS-CBN.

-NITZ MIRALLES