HINDI lang si Regine Velasquez ang binigyan ng ABS CBN ng grand welcome sa kanyang paglipat bilang Kapamilya kundi maging si Angel Locsin, na sa kanyang pagbabalik-teleserye ay walang kapagurang naglagare para i-promote ang The Generals Daughter, her teleserye comeback after five years of absence sa telebisyon.

Neil-Arce copy

Sa Magandang Buhay, halimbawa, sinariwa ni Angel ang kanyang elementary days at naging panauhin pa nga ang kanyang teacher na si Ma’am Pia. Model student at good team leader si Angel kahit sa murang edad.

Another portion of the show ay kinapanayam ni Angel ang isang daughter ng isang heneral, at ang mga pangamba ng pamilya sa pagiging sundalo ng ama.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa show naman ni Boy Abunda, ang naging paksa ay ang love life ni Angel. Isa sa mga tanong sa kanya ay “who is the best kisser” sa mga nakarelasyon niya, which we find in poor taste kung sino man ang nag-provide kay Boy ng nasabing tanong.

Naging girlfriend si Angel si Luis Manzano, at ngayon ay may kani-kanya na silang mahal. Si Luis kay Jessy Mendiola, habang happy na rin si Angel kay Neil Arce.

Base sa aura ni Angel, parang si Neil na nga ang “the one” ng aktres.

Ipinalarawan kay Angel si Neil at simple lang ang sagot niya: “He is my happiness.

-REMY UMEREZ