Dinala sa presinto ngayong Martes ng Makati Police si Alain Robert, 56, mas kilala bilang "French Spiderman", upang kunan ng salaysay sa pag-akyat niya nang walang safety gear sa 45-palapag na gusali, isa sa pinakamatataas sa siyudad.
Ayon kay Chief Insp. Gideon Ines, Jr., Makati police’s Assistant Chief of Police for Operations (ACOPO) head, kasama ni Robert ang kanyang abogado nang dalhin siya sa police headquarters.
"He was with his lawyer. Robert said that he anticipated that he might encounter a problem in the Philippines that’s why his lawyer was on standby already near the GT Tower," aniya.
Nilinaw ni Ines na inimbitahan lang ang dayuhan para kunan ng salaysay, sinabing hindi nila inaresto si Robert.
"He was just invited for questioning. If the GT Tower management files charges against him, we will then arrest him and put him behind bars."
Sinabi ni Robert, ayon kay Ines, sa mga pulis na hindi niya alam na may nilalabag siyang bata, idinagdag na ginagawa niya ito sa kanilang bansa.
Sa katunayan, nagawa na ito ni Robert sa ibang bansa. Gayunman, dahil sa panganib, siya ay pinagbawalang umakyat sa mga gusali sa UK.
Jel Santos at Bella Gamotea