TUNAY na ang batayan ng pagiging world-class fighter ay si Manny Pacquiao.

CHAMP! Sinamahan ni GAB Commissioner Mar Masanguid sa photo op sina Pinoy world champion Al Togoyan (kaliwa) at Carl Martin sa kanilang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’.

CHAMP! Sinamahan ni GAB Commissioner Mar Masanguid sa photo op sina Pinoy world champion Al Togoyan (kaliwa) at Carl Martin sa kanilang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Kaya’t hindi kataka-taka na ang pedestal ng eight-division world champion ang inspirasyon sa pagpupunyagi ng mga batang kampeon na sina WBC Asia super featherweight titlist Al ‘The Rock’ Toyogon at WBA Asia bantamweight Champion Carl ‘Wonder Boy’ Martin.

Sa kanilang pagbisita sa 7th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS), sinabi ng dalawa na gagawin nila ang lahat para maaabot ang tagumpay ni Pacquiao.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“Basta gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para manalo,” wika ni Toyogon na nakatakdang depensahan ang kanyang titulo kontra Japanese fighter Ryusei Ishii sa Elorde Sports Center sa Parañaque bukas, Enero 26.

“Mabigat din po ang kalaban, pero tiwala lang. Laban lang dahil ayokong biguin ang mga kababayan natin na manonood,” sabi naman ni Martin, na isasalang ang kanyang titulo kontra Thai boxer Petchchorhae Kokietgym sa Midas Hotel sa Pasay City sa Pebrero 16.

Ayon kay Games ang Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid, ang pagpupunyagi ng ahensiya at ang mga isinusulong na programa kaakibat ang mga local promoter at matchmaker ang nagging result sa pagdami ng mga batang kampeon na Pilipino.

“Mabuti ito para sa bayan. At least pag talagang nagdesisyon si Manny na magretiro, siguradong may kapalit,” aniya.