SOME producers, lalo na kapag Chinese, ang naniniwalang kikita ang pelikula kung may eksenang umuulan or may artistang nakasuot ng pulang damit. Well, it could have worked siguro kung hindi orange ang isinuot ni Jessy Mendiola sa recent movie niyang The Girl in the Orange Dress, na sumali sa 2018 Metro Manila Film Festival last month.
Naniniwala rin ang mga producers na getting little people sa anumang projects are supposed to bring good luck.
Sa teleseryeng Onanay ng GMA 7, hindi kay Nora Aunor nakatutok ang atensiyon ng televiewers, kundi sa baguhang bida na si Jo Berry—na masasabing small but terrible.
Sa confrontation scene ni Jo at ni Cherie Gil, hindi nagpatalbog ang una at lumutang ang husay niya sa pag-arte nang makipagsabayan siya ng acting sa isa sa pinakamahusay na kontrabida sa Philippine showbiz.
Actually, sa isang interview, mismong si Cherie ang nagsabi na mahusay umarte si Jo para sa isang baguhan. Ito rin ang komento ng isa pang beteranang aktres na nakakaeksena ni Jo sa Onanay, ang Superstar na si Nora.
Consistent na pumapalo ang rating ng Onanay, pagpapatunay na ‘tila may dala ngang buwenas si Jo Berry.
-Remy Umerez