Bagamat dumami ang insidente ng sunog sa nakalipas na walong taon, patuloy na tinutupad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tungkulin nitong maisakatuparan ang modernization program ng ahensiya, ayon sa Commission on Audit (CoA).

Sa performance audit sa BFP noong nakaraang taon, iniulat ng Co Ana may kabuuang 308 munisipalidad sa bansa ang walang sariling fire station hanggang ngayon.

Samantala, nasa 59 na fire station naman ang walang firetruck.

“The BFP is not on track in accomplishing the Modernization Program’s goals and objectives within its timelines,” saad sa report ng CoA na isinapubliko noong nakaraang linggo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay sa performance audit ng isang grupo ng CoA audit examiners, nasa 263 lang sa 945 fire station ang nakumpleto hanggang noong Hunyo 30, 2018. Ginagawa pa rinn ang 44 na istasyon ng bombero, habang wala pang nasimulan sa natitirang bilang.

Nakabili rin ang BFP ng 621 bagong firetruck, pero kulang pa rin ito ng 436 sa target bilhin na 1,057 trucks para sa 2018.

-Ben R. Rosario