NAPANOOD namin ang full video ng Belo Arm Wrestling Challenge nina Jennylyn Mercado at Alden Richards—at talo si Alden sa lakas ni Jennylyn.

Jennylyn at Alden

Ang yabang pa ni Alden sa simula, easy lang daw ang gagawin nila. Pero pagkatapos ng challenge, talo si Alden ni Jennylyn.

Nang humingi ng take two si Jennylyn, nag-pass si Alden. Hindi niya kaya ang lakas ng aktres, na kita na nakaporma ang biceps. Tatalunin niya ang ibang lalaki sa lakas ng nakahulmang biceps niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Speaking of Jennylyn, tuluy-tuloy na ang training niya para sa sasalihang Mt. Fuji International Marathon, na naka-schedule sa November 25.

Hindi na siya matutuloy sa Hokkaido Marathon sa August. Isa sa supporter ni Jennylyn sa kanyang pagte-training ay ang boyfriend na si Dennis Trillo.

Samantala, masisimulan na siguro ang taping ng rom-com series nina Jennylyn at Gabby Concepcion, dahil napili na ng GMA-7 ang magdidirek ng Love You Two. Siya ay si Irene Villamor, ang scriptwriter din ng serye.

Si Direk Irene ang nagdirek ng hit Viva Films movie nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story).

-Nitz Miralles