KILALA si Piolo Pascual na hindi pumapatol sa bashers at kahit pinalalampas niya ang kahit anong gawing pamba-bash sa kanya. Pero hindi siya nakapagpigil at napatulan ang isang basher nang pati ang anak na si Iigo Pascual ay idamay.

Piolo at Iñigo

Kasi naman, napaka-positive ng caption ni Piolo sa kanyang Instagram (IG) account sa photo nila ni Iῆigo, sukat ba namang may mag-comment ng mag-amang bakla raw ang dalawa.

Post ni Piolo: “@sunlifeph represent:) done with our first resolution run in Jakarta:) perfect weather, great course, awesome people. Next week is Manila’s turn for Sunpiology’s 10th anniversary. See you all on Jan 26, 2019 at camp Aguinaldo.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi nakapagpigil si Piolo at sinagot ang basher ng “suntukan tayo”. Malakas naman ang loob ng basher na sinagot pa si Piolo ng kung saang lugar daw sila magkikita at sinabi pa nitong sa Timog sila na niresbakan namang sagot ni Piolo ng: “Ok game! San mo gusto???”, at “Nasaan ka???!!!”

Dagdag pa ni Piolo, i-public ng basher ang account nito at hintayin siya.

Ang yabang ng basher nang sabihin nitong si Piolo raw ang magsabi kung saan sila magkikita at siya na ang pupunta. Kung sa ABS-CBN, baka sumikat pa siya.

Kaya naman pala malakas ang loob ng basher na hamuning makipagkita kay Piolo ay dahil nasa Jakarta raw ito, eh nakabalik na sina Piolo.

Pati mga kaibigan ni Piolo ay nagalit sa basher at hinahanap siya. Galit din sa basher ang supporters ni Piolo at gusto nilang bigyan ng leksyon ang walang magawang lalaking ito, idemanda at ipakulong.

-NITZ MIRALLES