Pinangunahan ng Shell ang oil price hike na muling ipinatupad ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Enero 22 ay nagtaas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng diesel, 15 sentimos sa kerosene, at 10 sentimos naman sa gasolina.

Kaagad namang sinundan ng PTT Petroleum Philippines, Total, at Phoenix Petroleum ang kaparehong dagdag-presyo sa diesel at gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na oil price hike, na bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Enero 15 nang nagdagdag ng P2.30 sa kada litro ng diesel, P2.00 sa kerosene, at P1.40 sa gasolina dahil sa pagsirit ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, at epekto ng dagdag na excise tax sa petrolyo sa bansa.

Ayon sa Department of Energy (DoE), naglalaro na ngayon ang bentahan ng diesel sa P33.45 hanggang P40.98, P40.05-P53.60 ang gasolina, at P38.42-P48.50 naman ang kerosene.

-Bella Gamotea