MAGKATABI ang upuan sa eroplano nina Bong Revilla at Dennis Trillo na kasama sina Dingdong Dantes, Sanya Lopez at Solenn Heussaff, nakisaya sa Sinulog Festival sa Cebu para na rin i-promote ang Cain at Abel.

Bong at Dennis copy

Aliw ang caption ni Dennis sa litrato nila ni Bong na, “Alyas Pogi w/ Elias Pogi #anakngteteng #returnofthecomeback.”

Si Bong ang tinutukoy ni Dennis na “Alyas Pogi” at ang sarili niya ang tinukoy na “Elias Pogi.” Elias kasi ang pangalan ng karakter niya sa Cain at Abel kung saan sumasabak siya sa action scenes.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kamakailan lang ay may intrigang kinaharap si Dennis nang ma-hack ang Twitter account nito at mag-tweet ang hacker ng hindi magandang bagay na makakasira kay Dennis. Noon kasi ay may follower ang aktor na nagtanong kung pwede silang magsama sa project ni Bong at ang natatandaan naming sagot ng hacker ay parang “hindi maganda.”

Mabuti at mabilis na nilinaw ni Dennis ang tungkol doon, pero ang hacker, nakapanira na. Sabagay, wala rin namang naniwalang sasabihin ni Dennis ‘yun.

Samantala, tuloy ang pagiging masama ng karakter ni Dennis sa Cain at Abel at tuloy ang pag-hunting niya kay Daniel (Dingdong). Sabi ni Dennis nang aming makausap, more action scenes to come at wala siyang reklamo kahit nasasaktan dahil nag-i-enjoy siyang gumawa ng stunts.

-Nitz Miralles