PARA sa kapwa mahusay na aktres na sina Jackie Lou Blanco at Sunshine Dizon, isang reunion project para sa kanila ang Inagaw na Bituin, na malapit nang mapanood sa GMA ngayong Pebrero.

Sunshine at Jackie

Sa isang litrato kasing ibinahagi ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts, nagkuwento sila sa kanilang relationship on the set.

Para kay Sunshine, kapatid ang turing niya kay Jackie Lou dahil sa kabaitan nito. Si Jackie Lou naman, napa-throwback sa nakaraang Kapuso program na pinagsamahan nila ni Sunshine, ang Captain Barbell.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Jackie Lou, kahit sampung taon na ang nakakaraan nang una silang nagkasama, excited pa rin siyang makatrabaho muli si Sunshine araw-araw sa set.

Abangan kung anong role ang gagampanan nilang dalawa sa Inagaw na Bituin, kung saan makakasama rin nila sina Kyline Alcantara, Therese Malvar, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Angelu de Leon, at Gabby Eigenmann.

Ang musical-drama series na ito ay mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Pebrero

-MERCY LEJARDE