Isinailalim na sa Signal No. 1 ang 10 na lalawigan sa bansa kasunod na rin ng paghagupit ng bagyong ‘Amang’ na papalapit din sa Surigao del Norte.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Ariel Rojas,

Kabilang sa itinaas sa Signal No. 1 ang Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, eastern part ng Bohol, northern portion ng Cebu, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Camiguin.

Aniya, posible ring mag-landfall ang bagyo sa Surigao del Norte o sa Siargao Island.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kahapon, huling namataan ang bagyo sa layong at 165 kilometers (km) east-northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur o 280 km. east-southeast ng Surigao City.

Taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 60 kph.

Nakaranas na kahapon ng malakas na pag-ulan ang Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Davao Oriental, Compostela Valley, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, hilagang bahagi ng Negros Oriental at Occidental, northern Cebu, at Bohol.

Ayon pa sa kanya, maaaring humina ang bagyo at maging low pressure area (LPA) pagkatapos nitong mag-landfall.

Gayunman, magdudulot pa rin ito ng malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol at Dinagat Islands, ngayong araw.

Bukas, inaasahan namang maaapektuhan ng malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas at Bicol.

Suspendido naman ang pasok sa Albay at Camarines Sur ngayong araw dahil sa Amang.

Saklaw ng suspensiyon ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa mga naturang lalawigan.

Ayon naman sa PAGASA, magdadala ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan ang bagyong Amang sa Caraga, Northern Mindanao, Compostela Valley, Davao Oriental, Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol Region, Southern Quezon, Marinduque at Romblon ngayong linggo.

Pinayuhan din ng ahensiya dito ang mga residente ng mga naturang lugar na maging alerto laban sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa malakas na ulan na dala ng bagyo

-ELLALYN DE VERA-RUIZ, MARY ANN SANTIAGO, at NIÑO N. LUCES