Tinambangan at napatay ng riding in tandem ang isang babaing dating prosecutor sa Cebu City, Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ng mga awtoridad na si Atty. Mary Ann Castro, dating Assistant City Prosecutor ng lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa iba’ t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Cebu City Police Office, ang insidente ay naganap sa Escario St., dakong 10:00 ng gabi.

Patungo umano ang biktima sa Talisay City, sakay ng kanyang Nissan Juke nang biglang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ayon kay Chief Insp. Edward Sanchez, hepe ng Fuente Community Police Station(FCPS), pinatawan ng Department of Justice (DoJ) ng 90-day preventive suspension si Castro, noong Disyembre 2017 dahil sa reklamo ng pamilya ng dati nitong asawa na si Leodegreco “Greco” Sanchez.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.

Matatandaang nagbitiw si Castro sa kanyang puwesto matapos na matanggap ang sunud-sunod na suspensyon, noong 2017.

Si Castro ay dati umanong nakarelasyon ni SPO2 Adonis Dumpit, na dating close-in bodyguard naman ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña.

Napatay ng mga awtoridad si Dumpit sa Tagbilaran City, Bohol, noong Hunyo 27, 2018.

-Fer Taboy