Awtomatikong nag-“panic” mode ang KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa post nitong Huwebes ng ina ng aktres na si Min Bernardo, na nagsabing “may nag-proposed”.

Kathryn at Daniel

Kathryn at Daniel

“May nag-proposed,” saad sa post ni Min sa Instagram.

Nasa Japan ngayon sina Kathryn at Daniel para sa kanilang Japan National Tourism Organization (JNTO) familiarization trip.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagamat walang tinag ang ina ni Kathryn sa nasabing post, umaasa ang mga kinikilig na KathNiel fans na may kinalaman sa magkasintahan ang nasabing pahayag.

“Tita, magkaka-mini heart attack po ako sa ganyan mo po eh…” komento ng isang follower.

“Tita Min! Nakakagulantang. Enlighten us please…” sabi ng isa pa.

“Totoo nga!!! Grabe Tita Min!!! Ang sayaaa sayaaaa!!” comment pa ng isang netizen.

Agosto noong nakaraang taon lang nang sa wakas ay kumpirmahin nina Kathryn at Daniel na mayroon silang romantic relationship sa nakalipas na “more than 5 years.”

Sa mga panayam sa kanila habang ipino-promote ang pelikula nilang The Hows Of Us, inamin ng magkasintahan na hindi naging madali ang kanilang relasyon, at nag-aaway din sila gaya ng ibang magkarelasyon.

“There were times when you’re okay and times when you’re not okay. How did we save our relationship? For me, it is a choice if you will fight for it,” sabi noon ni Kathryn.

“For us, we made a choice. I think I made the right choice. The most important thing is that we learn something every day and we grow together.”

Ngunit nang tanungin kung handa na ba siyang magpakasal kay Daniel, sumagot si Kathryn: “Not so soon. It’s too early now.”

Gayunman, inamin ng dalawa na napag-uusapan na nila ang kasal.

“You don’t just jump into it. It would be unfair for you and your partner if you’re not ready to give it (marriage) your all,” ani Kathryn.

Regina Mae Parungao