Hinamon ng isang retiradong obispo ng Simbahang Katoliko si Pangulong Duterte na gayahin ang mga obispo na naglalakad sa lansangan nang walang armas at walang bodyguards.

Pangulong Rodrigo Duterte (MB, file)

Pangulong Rodrigo Duterte (MB, file)

Ang “friendly challenge” ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ay kaugnay ng sinasabing birong panawagan kamakailan ng Pangulo sa mga tambay na holdapin at patayin ang mga obispo na makikita nila sa kalye.

Ayon kay Bacani, kung talagang matapang si Duterte ay maaari niyang subukan ang ginagawa ng mga obispo na maglakad sa lansangan nang walang anumang pag-aalinlangan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Meron lang akong friendly challenge kay Presidente Duterte, simple lang na ganito. Alam n’yo kaming mga obispo naglalakad kami, wala kaming bodyguard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aides na nakapaligid na marami. Wala kaming dalang baril, gano’n kami.

“Ang challenge ko kay President Duterte, kung talagang matapang siya, simple lang, gawin niya ‘yung ginagawa namin,” sinabi ni Bacani sa panayam sa kanya ng Radio Veritas.

Ito, ayon kay Bacani, ay para malaman kung ano ang magiging reaksiyon ng publiko sa Pangulo, habang pangkaraniwan lang para sa mga obispo ang makihalubilo sa iba’t ibang uri ng tao araw-araw.

SANAY NA SA BIRO

Nilinaw naman ni Bacani na hindi na bago sa kanya ang huling “biro” ng Pangulo laban sa Simbahan, sa mga obispo, sa mga pari, at sa mga Katoliko.

Una nang umalma si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga naging pahayag ni Duterte, na tinawag niyang “disgrace to our country”.

“His presidency is disappointment to us, and disgrace to our country. The advice just promotes criminality, encourages lawlessness,” sinabi ni Santos sa naunang panayam ng Radio Veritas.

“We totally speak, stand against it. We reject and condemn what he says,” sabi pa ni Santos.

‘UNSAVOURY LANGUAGE’

Pumalag naman ngayong Martes ang Malacañang sa umano’y “unsavoury language” ni Santos at hinimok na ipanalangin na lang ang Pangulo kaysa batikusin.

“We are sad with the remarks of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos that the Duterte presidency is a disgrace to the country, especially coming from a man of the cloth,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“The good bishop of Balanga should pray for the President, the way we pray for the Bishop’s enlightenment, that PRRD may run the affairs of the country well instead of lambasting him. As we repeatedly said, we are all parts of one whole, the success of President Duterte is the success of the whole nation,” dagdag niya.

“What is a disgrace is when a member of the clergy uses unsavoury language against President Rodrigo Roa Duterte who only fulfills and complies with his constitutional mandate to lead the government in serving the Filipinos and protecting them from what bedevils our society,” sabi pa ni Panelo.

Mary Ann Santiago, Genalyn D. Kabiling, at Beth Camia