TWENTY seven years old na si Alden Richards last January 2, 2019, at nitong Sunday ay nagbigay siya ng thanksgiving party for showbiz press sa Conchas restaurant, na pag-aari niya mismo.

1Alden

Nang maka-one-on-one ni Yours Truly itong si Alden ay tinanong ko siya kung ano ang kanyang New Year’s resolution ngayong 2019, na Year Of The Pig.

“Ang number one New Year’s resolution ko for this year 2019 ay magpapa-abs ako. Yes, abs na 8 packs!” masaya at matunog niyang sabi, saka ipinahimas niya kay Yours Truly ang kanyang dibdib, na medyo malaman nang konti kaya need nga niyang mag-exercise para magka-abs.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“At magpapahaba rin ako ng balbas, para balbas-sarado ako,” natawang sabi ni Alden, at ipinahipo rink ay Yours Truly ang kanyang baba, na may konting tumutubong balbas.

Naku, Alden, tama na ‘yung eight packs na abs! Huwag na balbas-sarado coz di bagay sa iyong maamong mukha ang maging mukhang ermitanyo. ‘Yun na! Ha, ha, ha!In pernes dito kay Alden, never siyang nagbago ng pakikitungo sa mga unang showbiz reporters-writers na una niyang nakilala noong baguhan pa lang siya sa showbiz.

Kapag nakikita niya kami ay kusa siyang lumalapit sa amin with matching beso-beso at sabay sabi ng aming pangalan, na talagang hindi lang fezlak ang kanyang tinandaan. Siyempre sobrang appreciated namin coz bihira sa mga baguhang artista ang nakakatanda agad ng pangalan, in pernes, noh!

Kaya naman hindi na kami nagtaka pa kung bakit biniyayaan siya ni Lord God Jesus Christ ng sobrang kasikatan sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Sobrang humble si Alden, at binigyan siya talaga ni Lord God Jesus ng wisdom, as in wisdom to purify the mind, wisdom to be reachable. Yessss, ganerrnnn, ganernnn! At sana nga tularan siya ng mga baguhang celebrity natin ngayon.

‘Yun nga lang, inamin niya na dun sa kanyang thanksgiving party for the press na suwerte siya sa kanyang showbiz career, pero until now ay wala pa raw siyang love life.

Hayaan mo, Alden, ipagdarasal namin na magkaroon ka na ng love of your life sooner than soon, para sing ka na nang awiting may lyrics that goes “Oh, kay sarap ng may minamahal…” Pak, yun na!

-Mercy Lejarde