MINNEAPOLIS (AP) — Sinibak ng Minnesota Timberwolves ang kanilang coach na si Tom Thibodeau kahapon ng umaga (Linggo ng gabi sa US) matapos ang kanilang laro kontra LA Lakers na naglalaro ng wala ang kanilang star player na si LeBron James.
Nag-ugat ang pagkakasibak kay Thibodeau matapos umugong an gang isyu ukol sa trade ni Jimmy Butler.
"We would like to thank Tom for his efforts and wish him all the best," pahayag ng may-ari ng Timberwolves na si Glen Taylor . "These decisions are never easy to make, but we felt them necessary to move our organization forward."
Nanatili naman sa puwesto sina Scott Layden bilang general manager habang si assistant coach Ryan Saunders naman ang siyang magsisilbing interim head para sa nalalabing laro ng koponan sa kasalukuyang season.
Unang naireport ang pagkakaalis kay Thibodeau, na siya ring president ng basketball operations na siyang may kapangyarihan sa roster ng team buhat sa Athletics manangement. Si Saunders na siyang ipinalit sa kanya ay anak ng namayapang Flip Saunders, na siyang may pinakamaraming panalong naibigay sa koponan noong kanyang kapanahunan.
Si Butler ay dating manlalaro ni Thibodeau sa Chicago na kanyang ipinasok sa koponan at pilit na umalis sa Mineesota.
Kasalukuyang may 15-12 record ang Wolves matapos ang nasabing deal kay Butler Ngunit sa pangako ni Taylor para sa maximum-salary contracts para kina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins, ay wala nang dahilan upang magsalawang kibo pa ang management sa mga pagkatalo nito sa laro.